Away-intriga ni Ronnie Liang at manager, gimik lang para pag-usapan

AYAW pumalag  ni George Roca sa panlalaglag ni Ronnie Liang sa kanya sa “Paparazzi.”

Sey ni Ronnie: “Hindi kami naghiwalay dahil lamang sa pera, kundi dahil na rin sa prinsipyo. Gusto niyang bitawan ko ang family business namin. Gusto niyang iwanan ang girlfriend ko.”

Gusto rin daw ni George na  humarap sa kanya ang parents ni Ronnie at lumuhod. Minsan daw ay  nagpunta pa raw siya sa condo ni Ronnie at sinabihang papatayin. Obsessed ang pagsasalarawan ni Ronnie sa dating manager.

“Hayaan na…sana makatulong yon para makabalik siya. I already move on ng matagal na,” padalang mensahe ni George sa Facebook nang tanungin namin ang kanyang reaksyon.

Tinanong namin si George kung ano na naman ang nangyari. Nu’ng nasa States kasi sila,  nakipag-communicate sa amin si George, nagkabalikan na raw sila ni Ronnie. Nag-arrange pa siya ng mini-presscon sa tulong ng handler  ni Ronnie na si JM. Nakabalik na ngayon sa Pinas si George dahil ‘yun ang gustong mangyari ni Ronnie at nagulat na lang kami dahil  maaanghang na naman ang pahayag ng  male singer.

Noon pa rin namin pinagsabihan si Ronnie na  lumapit kay ‘Nay Cristy  Fermin at ipaliwanag ang kanyang side pero matigas siya that time. Kung  anu-ano ang lumabas sa bibig na kesyo sana hindi sumakit ang tiyan ng mga naninira sa kanya. Napapailing na lang kami kay Ronnie sa katigasan ng ulo niya that time. Pero ngayon, mga humawak na naman ng career niya ang tinira niya. Hindi lang si George kundi pati si Arnold Vegafria na tumanggi raw siya nu’ng yayain sa bar at condo.

“Ayoko na muna mag-comment,” sey ni George sa isyu.

Naloloka kami sa  dalawang ito dahil pag hindi mo naman kailangan ang mga isyu at hinaing nila, tumatawag si George. Pero ngayong may kailangan siyang liwanagin, no comment lang ang isasagot.
Hay!!! Sabi tuloy namin, baka gumigimik lang ang dalawa para pag-usapan ulit si Ronnie? Hindi na sumagot si George! Ah, basta naiinis  kami sa kaguluhan nila.

Last na ito para patulan,huh!

*****

Ciara Sotto kinabog sina Rosanna Roces, Regine Tolentino

WINNER
si Ciara Sotto bilang  Celebrity talentado kung saan ay tinalo niya sina Rosanna Roces, Regine Tolentino, Valeen Montenegro.

Marami  naman ang may bet  kay Joseph The Artist na maging Ultimate Talentadong Pinoy 2011 at  siya naman ang nag-win.

Ang galing-galing ni Joseph  dahil maganda ang  konsepto niya  sa pag-drawing sa buhangin.

Base sa kantang “Dance with my Father” ang istoryang ginawa niya sa kanyang drawing. Marami ang na-touch at napaiyak ni Joseph. May puso, may istorya at may emosyon.  Karamihan sa movie press siya rin ang bet. Unforgettable  talaga ang ginawa ni Joseph The  Artist.

Si Joseph ay nagta-tricycle  sa Biñan, Laguna. Ang sabi niya ire-reserve  niya ang  P1 million cash prize for his four children.

Nandun kami sa Ynares Gym nu’ng Sabado. Napanood lahat namin ang performance ng siyam na finalists. Mas magagaling at salang-sala talaga ang batch na ito kumpara nu’ng unang taon. Sasakit talaga ang ulo ng judges kung sino ang pananalunin.

Ang ganda ng damit ni Ruffa Gutierrez  na gawa ni Randy Ortiz. Beauty queen talaga.  Kinabog si Lucy  Torres at lahat na nandun.

Ang ibang talent scouts ay sina Joey de Leon, Richard Gomez, Lani Misalucha, Annabelle Rama, Alice Dixson, Kitchie Benedicto, Audie Gemora, Tuesday Vargas. Ewan namin kung bakit hindi natuloy si Judy Ann Santos na kung saan ay si Ryan Agoncillo mismo  ang nagsabi na first appearance ‘yun ng kanyang asawa. Tanging ang commercial lang ni Juday na gatas ang napanood.

Anyway, nagkamit ng 56.5%  ang audience share ng first night ng Talentadong Pinoy Battle of The Champions 2011! More than half of Mega Manila viewers were tuned in to TV5 last night, March 12.

Talbog!

*****

Valerie Concepsion lagare queen


LAGARE
beauty ang tawag kay Valerie Concepcion dahil nagsimula na siyang mag-taping sa isang serye ng ABS-CBN 2 habang meron siyang “Nagbabagang Bulaklak”  sa TV5.

Naiba ang takbo ng buhay niya mula nang mawala siya sa noontime show. Kung hindi siya nagti-taping, nagho-host siya sa mga events. May cut-off din siya sa parehong soap kaya may time para rumaket.

Wala ring qualms si Val sa kissing scenes. Ano kaya ang reaksyon ng basketbolistang  rumored boyfriend niya na si  Dondon Hontiveros.

Magpa-kiss din kaya si Valerie sa audience  sa Sabado para sa ‘Luv en Laugh’ sa Zirkoh, Tomas Morato kung saan ay makakasama niya sina Jose Manalo, Wally Bayola.  Mukhang riot  sa stage na biru-biruin sa entablado ng  dalawang taga-Eat Bulaga ang dating host ng “Wowowee” at “Pilipinas, Win na Win.”

Tampok din  sa show sina Duncan Ramos at ang bagong Crush ng Bayan at commercial model ng Nestea Iced Tea na si Neil Coleta.  Roldan Castro

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply