Away sa lupa sinisilip sa pagpatay sa DZME broadcaster

AWAYAN sa lupa ang sinisilip na motibo sa pagpatay kay Marlin Flores-Somera na binaril habang naglalakad sa Malabon City kamakailan.

Ayon kay Supt. Rio Gatacillo, tagapagsalita ng Northern Police District, may proyekto ang biktima na road widening sa kanilang lugar kung saan presidente si Somera ng Silonian Neighborhood Association.

Nabatid na sa nasabing proyekto ng iba ay aabot sa 29 kabahayan sa Silonian st., kabilang ang samahan ng Kapitbahayan Samahan sa Maysilo (Kasama) ang tatamaan ng road widening na naging dahilan upang tutulan ng grupo.

Umabot sa demandahan ang nasabing usapin hanggang sa makakuha ng TRO ang grupo kaya napigilan ang road widening.

Napag-alaman na nakakuha na ng pondo si Somera kay Manny Pangilinan na nakadeposito na sa Union Bank upang maipatupad ang road widening at iba pang proyekto katulad ng pagpapatayo ng Multi Purpose sa kanilang lugar.

Sa rekord, dakong 9:45 ng umaga, noong Marso 24, nang barilin ng hindi pa nakikilalang gunman si Somera habang naglalakad malapit sa kanilang bahay sa Silonian St., Maysilo, nasabing lungsod. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply