Ayaw makipagbalikan: Ginang kinatay ng live-in partner

NAUWI sa trahedya ang tangkang pakikipagbalikan ng 47-anyos na lalaki sa kanyang kalive-in matapos pagsasaksakin ng una ang kinakasama nang tumangging bumalik ng bahay sa Makati City, kaninang ng madaling-araw sa Makati city.

Patay na nang idating sa Ospital ng Makati sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Edna Lucagan, habang nadakip naman kaagad ang suspek na si Lidio Balser nang makapagresponde kaagad ang mga kapitbahay ng biktima na nakasaksi sa insidente.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Lewelie Crisatobal ng Homicide Section ng Makati police, mahigit isang buwan na umanong nagpasyang makipaghiwalay ang biktima sa kalive in sanhi ng pananakit ng lalaki at madalas na pag-inom ng alak.

Dakong ala-1:50 ng madaling-araw ng Marso 18 nang marinig ng mga testigong sina Marvin Sison at Lexter Jameco ang paghingi ng tulong ng biktima at nang silipin nila ang loob ng bahay ng magkalive-in sa 531 Talisay St., Brgy Comembo, ay nakita nilang kinukubabawan ng lalaki ang kinakasama habang inuundayan ng saksak.

Kaagad namang isinara ng mga testigo ang gate ng tirahan ng magkalive in upang hindi makatakas ang suspek saka humingi ng tulong sa awtoridad.  Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply