Azkal Etheridge ibinangko ng Charlton

TILA nabangko ang Philippine Azkals goal keeper na si Neil Etheridge sa kauna-unahang pagsama niya sa kanyang bagong team na Charlton Athletic.

“Didn’t play tonight. Disappointing loss but was good to get to know everyone,” pahayag ni Etheridge sa kanyang twitter account.

Natalo ang Charlton kontra MK Dons sa iskor na 2-0. Nakatakdang makalaban ng team ng 21 taong gulang na miyembro ng Azkals ang Brentford sa Marso 12, 2011.

Hindi makakalaro ang gwapong goalie ng Azkals sa laban nila kontra Mongolia sa Marso 15, 2011 sa Ulan Bator, Mongolia.

Sumikat nang husto si Neil lalo na sa mga kababaihan noong lumaro siya para sa Pilipinas sa AFF Suzuki Cup noong nakaraang taon. Sikat siya sa mga kababaihan sa Vietnam, Laos at Indonesia kung saan sila naglaro. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply