Azkals na-stranded sa Japan

LIGTAS man na nakalapag sa Osaka, Japan si Azkals midfielder Simon Greatwich ay na-stranded naman sila ng halos isang araw dahil sa pagtama ng 8.9 lindol at tsunamin sa nasabing bansa.

Noong una ay walang narinig ang fans kay Greatwich nang isara ang Narita airport dahil sa napakalakas na lindol.

Ayon kay Greatwich, isinara ang Tokyo airport at ipinasa sila sa Osaka habang nakausap na rin ito ng team officials.

Sinabi naman ng kapatid niya sa Twitter na si Chris na: “Apparently Simon is stuck in Osaka airport, but he is okay.”

Ang isa pang Azkal na si defender Jason Sabio ay dumating na rin sa Tokyo airport mula sa Alabama, USA bandang 3:00 p.m. kamakalawa lulan ng Japan Airlines.

Bandang alas-7 ng gabi ay naburo siya kasama ang iba pang pasahero sa eroplano, ayon kay Greatwich.

Ang Azkals ay magsasanay sana sa Japan para sa paghahanda sa kanilang laban sa Mongolia sa susunod na linggo. Gilbert Perdes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply