Azkals ngiting aso sa NAIA

PARANG asong galang labas lahat ang ngipin at kitang kita ang gilagid dahil sa tuwa ng Team Azkals (Philippine Footbal Team) nang dumating sa bansa kahapon.

Itoy dahil sa masayang masaya sila sa pasalubong para sa masang Filpino na nakapasok sila sa final 8 ng AFC Challenge Cup group stage matapos ilampaso na parang basang sisiw ang Bengal Tigers ng Bangladesh sa katatapos na laban sa Myanmar.

Dumating kahapong ng madaling araw ang Team Azkals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) eksatong 4 am mula Myanmar.

Inamin ng Team Azkals na wala silang mapaglagyan ng kanilang kasiyahan dahil sa iniuwing karangalan dahil sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas ay nakapasok ang Pilipinas sa AFC main tournament.

Matatandaang parang asong gala sa tapang na hinarap ng Azkals ang Bengal Tigers sa do-or-die game nitong Biyernes kung saan hindi nila pinaporma ang Bangladesh sa iskor na 3-0.

“Pakiramdam namin ay wala ng bukas at kailangang ibuga na naming lahat ang dapat ibuga upang ipanalo ang laban, hinding hindi kami papayag na matanggal kami sa palaro, kaya ibunuhos na naming ang lahat ng aming lakas,” kwento ng masayang masayang Azkals.

Ipinangako pa ng Pinoy booters na lalo pa nilang paghuhusayan sa praktis upang maging maganda ang mga susunod nilang mga laro bilang paghahanda sa AFC na gaganapin sa 2012.

“Sana kami ang mag-champion, pero alam naming na magagaling ang makakaharap namin sa finals kaya pagbubutihin namin ang aming laro upang sa unang pagkakataon ay makapagdala ang larong football ng karangalan sa bansa,” ani ng Team Azkals.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply