Azkals pinulutan sa Japan

HINDI umubra ang special na uniporme  ng Azkals sa sobrang lamig sa Japan na naging ugat umano nang  pagkatalo ng team sa tune up game kontra sa Kanto Gakuin University football team, 4-0 sa Gotemba City sa Japan.

Isiniwalat ni Dan Palami, team manager ng Azkals, na sobrang lamig ng temperatura ng maglaro ang mga Pinoy na posibleng nakaapekto sa kanilang paglalaro.

“Talagang magagaling ang mga Hapon na nakalaban ng mga Pinoy sa kabila na hindi pa sila ang miyembro ng national team,” pag-amin ni Palami sa Remate Sports.

Ikinagalit naman ni German coach Hans Michael Weiss ang pagkatalo ng team at sinabing maging leksyon sa kanila ang pagkatalo dahil mas malamig pa ang temperature sa Mongolia.

Ginawa ang tune up game bilang bahagi ng paghahanda ng Azkals sa 2nd leg ng AFC Challenge Cup kontra Mongolia ngayong Marso 15.

Papatak umano -8 hanggang -20  degrees Celsius ang temperatura sa Ulan Bator, Mongolia, samantalang ang temperatura sa Japan ng maglaro ang Azkals ay zero degrees Celsius.

Sasabak ulit sa isa pang tune-up games ang Azkals sa isa pang college team bago tumulak sa Mongolia.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply