Azkals ready na vs Mongolia

HINDI na nangangamba ang Azkals sa lamig ng klima sa Mongolia matapos ilabas ang kanilang bagong uniporme na may pangontra sa nagyeyelong kapaligiran.

Gaganapin ang 2nd leg ng qualifying match para sa UFC Challenge Cup sa Marso 15 sa Mongolia kung saan ang klima raw ay umaabot sa below freezing level.

Ibinida ni Philippine Football Federation president Mariano Araneta na nakuha na ng team ang kanilang high-tech winter gear na gagamitin ng mga players.

“Idinisenyo ang uniporme gamit ang “Breath Thermo” at “Thermal Plus” technology na tutulong sa mga players na maging komportable sa paglalaro kahit na sub-zero ang temperature,” ani Araneta.

Mabibinyagan ang bagong uniporme sa gagawing training ng Azkals sa Japan sa Marso 7 hanggang Marso 12.

Ayon sa report, nasa -10 degrees Celsius ang temperatura ngayon sa Ulan, Bator, Mongolia ngunit umaasa sila na tataas ito sa -1 degrees Celsius sa Marso 15, lalo na at 1:00 pm ang oras ng laro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply