Azkals talo sa Mongolia pero abante sa AFC Challenge Cup group stage

BIGO ang Philippine football Team Azkals na manalo kontra Team Mongolia Blue Wolves sa katatapos na second leg ng AFC Challenge Cup na ginanap sa Mongolia kahapon, nang makadalawang puntos ang Mongolia habang isa sa Pilipinas.

Ang Fil-British midfielder na si James Younghusband ang nakatala ng unang goal sa laro at tinanghal na best player.

Bagamat talo ay abante naman sa next round ng AFC Challenge Cup ang grupo.

Una nang ginamitan ng offensive game ng Team Azkals ang kanilang laban sa Mongolia.

Bagama’t napakalamig sa Ulan Bator kung saan ginanap ang laro, naging mainit pa rin ang laban ng dalawang grupo nang unang makadalawang puntos ng kalaban.

Nauna nang sinabi ni James Younghusband na handang-handa na siya sa pakikipagtunggalian sa Blue Wolves, na kanya namang pinatunayan makaraang agad na makapuntos ng isa.

Kabaligtaran naman sa unang sinabi ng kapatid ni James na si Phil na dalawa hanggang tatlong goals ang kanilang gagawin dahil naunahan sila ng kalaban na agad nagtala ng dalawang puntos.

Hirap din ang bagong goalkeeper na si Eduard Sacapaño kaya agad na naka-score ang Mongolia.

Si Sacapaño ang pumalit sa posisyon Neil Etheridge.

Susunod na makakalaban ng Azkals ang Team Myamnar sa Marso 21.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply