Babaing OFW naghubad sa NAIA

NABULABOG ang mga pasaherong nakapila sa immigration counter ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 nang magsisigaw ang isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) habang naghuhubad nitong Miyerkules, Marso 3.

Ang Pinay ay 35-anyos na domestic helper at tubong Malaybalay, Bukidnon.

Dumating ito sa NAIA nitong Miyerkules, 3:53 ng hapon, lulan ng Singapore Airlines flight SQ-912 galing sa Riyadh, Saudi Arabia via Singapore.

Base sa salaysay ni Greg Trabanca, wheelchair attendant ng airline, isinakay nito ang babae sa wheelchair dahil sa pinsala nito sa kaliwang paa.

Habang nakapila sila sa immigration counter ng arrival area ay napansin umano ni Trabanca na umihi sa upuan ang nasabing pasahero.

Ilang sandali pa ay bigla na lang sumigaw ng malakas ang OFW. Gayundin ay sinigawan nito ang lahat nang makasalubong ng “demonyo” at “mortal na kaaway.”

Ilang sandali pa, ayon kay Trabanca, ay biglang naghubad ng damit ang babae sa harap ng maraming pasahero.

Dito na humingi ng tulong ang wheelchair attendant sa mga kinauukulan.

Ayon kay NAIA terminal Manager Dante Basanta, agad dinala sa MIAA Medical Clinic ang nagwalang pasahero upang malaman kung naapektuhan ang pag-iisip nito habang nasa ibayong-dagat.

Ito ay inilipat sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration sa Lungsod Pasay upang mapangalagaan. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply