Back pay sa OFWs sa Libya nilalakad ng OWWA

TUTULUNGAN ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Libya na makakuha ng back pay sa kanilang mga amo.

Ayon kay Carmelita Dimzon, administrator ng OWWA na maaari nang magtungo sa kanilang tanggapan ang mga umuwing OFW mula sa Libya upang sila ay matulungan hinggil sa kanilang back pay at iba pang programa ng pamahalaan npara sa kanila.

Sinabi rin ni Dimzon na maaari pang makakuha ng trabaho sa ibang bansa ang mga OFW na nawalan ng trabaho sa Libya.

Ani Dimzon, ito ay dahil maraming recruitment agencies ang kumukuha ng mga may experience na sa trabaho lalo na yung mga professional at skilled worker na nagmula sa nasabing bansa. Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply