Bading nangmolestiya ng totoy kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang bading matapos pakitaan ng ari at hawakan sa puwet ang totoy na kasakay niya sa pampasaherong bus sa Caloocan City,  Lunes ng gabi.

Nahaharap sa kasong sexual abuse in relation to child abuse si Rodolfo Patdo, 47, ng E. Rodriguez, Tanza, Navotas.

Sa pahayag ng biktimang si Kenneth Galupo, 14, ng Kaunlaran Village, dakong 7:30 ng gabi, nakatabi niya ang suspek sa loob ng pamasaherong bus at pagsapit sa Caloocan City ay naglabas ng ari si Patdo habang nakatingin sa kanya.

Dahil kokonti lang ang pasahero ay natakot ang biktima at tinangkang lumipat ng upuan papunta sa kanyang kuya subalit pagtayo ni Galupo ay pinisil ni Patdo ang kanyang puwet.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang kuya na naging dahilan upang magkagulo sa loob ng bus at pagtapat sa presinto ay bumaba ang magkuya bitbit ang suspek upang ireklamo. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login