Bagong batch ng PDEA, pampalakas puwersa

KAUGNAY pa rin sa layuning palakasin pa ang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakatakdang sumalang sa isasagawang pagsasanay ng Academy ang bagong batch ng mga magiging bagong agents na pumasa sa Drug Enforcement Officers’ Basic Course (DEOBC) Class 2011-05.

Ang may 206 na bagong agents, binubuo ng 152 kalalakihan at 54 na kababaihan, na kabilang sa 5th batch ng PDEA agents ay sasailalim sa anim na buwang comprehensive at regimented training program kaugnay sa drug law enforcement.

Pangngasiwaan ng PDEA Academy Superintendent and Training Staff ang pagsasanay sa mga bagong recruits na sibilyan na maging maprinsipyo, may kakayahan at matapat na Drug Enforcement Officers.

Umabot sa kabuuang bilang na 3,338 ang mga aplikante sa buong bansa ngunit 1,751 lamang sa mga ito ang pumasa para makakuha ng Qualifying Exams.

Ngunit nabawasan pa ito matapos dumaan sa mahigpit na screening na kinabibilangan ng Neuro-Psychological Examinations, Medical/Physical Examinations, Agility Test, Background Investigation at Panel Interview. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply