Bagong import ipaparada ng Tigers

MAY bagong import na isasabak ang Powerade Tigers sa pagsabak sa San Miguel Beermen ngayong hapon, Martes, Marso 15, sa Araneta Coliseum.

Kiailangang dispatsahin ng Powerade Tigers si Russel Carter sa pagsisikap na makaangat sa pagkakalubog sa kumunoy ng kabiguan sa nalulunos na 1-4 win-loss record na mataas na bahagya sa Meralco Bolts.

Si Martin Zeno ay dating player ng Texas at nakalaro sa Los Angeles Lakers sa Summer League bago tuluyang sumubok sa SeaStar Apoel Nicosia, isang prestihiyosong liga sa bansang Cyprus.

Sasailalim pa si Zeno sa height test na 6’4″ na itinatakdang opisyal na qualified height ng PBA Commissioner’s Cup. Ang makakalaban ng San Miguel Beermen ng Powerade ay katulad din ng kupunan na dumadausdos sa team standings. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply