Bagong laya binaril ng dating kaalitan

ISANG binatang bagong laya ang nasa kritikal na kalagayan ngayon sa pagamutan matapos itong barilin ng umano’y dating nakaalitan Biyernes ng gabi sa Sitio Gulayan, Barangay Concepcion, Malabon City,

Ang biktma, na kasalukyang nakaratay at ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital, sanhi ng tama nito sa kaliwang bahagi sa katawan, ay nakilalang si  Diego Delara, 29, ng Sitio Gulayan.

Agad namang inatasan ni Senior Supt. Cornelio Barrios ang kanyang mga tauhan na arestuhin at papanagutin sa batas ang suspek na nakilalang si Ricardo Patola, isang welder na residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Jerry Dela Torre ng Investigation Division ng Malabon police station, ganap na alas-otso Biyernes ng gabi nang maganap ang pamamaril.

Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima patungo sa isang carinderia para kumain nang makasalubong ang salarin, na walang sabi-sabing nagbunot ng kalibre .38 si Patola at agad na binaril si Delara, na tinamaan sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Agad tumakas ang suspek dala ang kanyang ginamit na baril habang ang biktma ay agad naman isinugod ng kamag-anakan sa  nasabing pagamutan. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply