Bagong silang na sanggol inabandona sa Malabon

ISANG bagong silang na sanggol na babae ang isinilid sa itim na bag at iniwan malapit sa San Agustin Church sa Malabon City, Martes ng gabi.

Nakakabit pa ang umbilical cord ng sanggol nang matagpuan sa isang bahay malapit sa simbahan ng San Agustin sa Sacristia St., San Agustin, alas-nuwebe ng gabi.

Nabatid na isang dalagita na nasa edad 16 hanggang 18 ang nakitang pabalik-balik sa nasabing lugar na may dalang itim na bag.

Makalipas ang ilang saglit ay nakitang nagmamadaling umalis ang dalagita at napansing wala na ang dalang bag nito.

Agad namang dinala sa pagamutan ang sanggol at nang malaman na nasa ligtas naman na kalagayan ay dinala na siya sa Department of  Social Welfare and Development (DSWD). Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply