Bagong testigo inamin ang kurapsyon sa AFP

LUMUTANG ang panibagong testigo sa pagdinig ng Senado sa mga anomalyang kinakaharap ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, pinatotoo ni retired Col. Romeo Mateo ang mga akusasyon ni dating AFP budget officer George Rabusa sa mga AFP official hinggil sa kinukulimbat ng mga ito na pera ng ahensya.

Inamin ni Mateo na may conversion of funds sa AFP na siyang pinagkukunan ng payola ng mga opisyal dito. Sinabi rin niya na simula noong 1989 ay mayroon ng convertion sa AFP at kabilang umano siya sa nagko-covert ng allotment order sa J6 o Office of the AFP comptroller upang gawing cash.

Ayon pa sa kanya, P11 million umano ang kanilang kino-convert bawat buwan. Inihayag din niya na tumatanggap din siya ng 1.5 porsiyentong komisyon.

Una rito, itinanggi naman ni Col. Cirilo Thomas Donato, dating ISAFP comptroller na mayroong nagaganap na convertion sa kanyang panahon. Sinabi nito na cash advance lamang.

Si Donato ay umamin rin na tumanggap siya ng payola at kotse mula kay Rabusa. Remate Online

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply