Bagong testigo sa ‘Pabaon’ lumantad

HINDI maipinta ang mukha ni Col. Cirilo Thomas Donato sa paglantad ng panibagong testigo na nagpatotoo sa talamak na kumbersiyon ng pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa harap nang pagpapabulaanan nito sa anomalya.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pabaon sa AFP sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingong III, gulat na gulat at hindi maitanggi ni Donato na kakilala nito si ret. Lt. col. Romeo Mateo.

Pinatotohanan ni Mateo sa harap ng komite sa pamamagitan ng isang nilagdaan at sinumpaang affidavit na makatotohanan ang lahat nang ibinulgar ni dating AFP budget officer Lt.Col. George Rabusa na kinasasangkutan ni Donato, dating AFP comptroller Lt.Gen. Jacinto Ligot at ilang pang matataas na opisyal ng militar.

Sa kanyang statement, pinatotohanan din ni Mateo sa komite na kumikita siya nang hindi lalampas sa 11 porsiyento sa bawat halaga ng pondong gagawing cash o sa sistemang kumbersiyon sa gastusin na nakalaan sa pasuweldo at pension ng mga beterano.

Hindi naman niya matandaan kung magkano ang kinita nito sa conversion, ngunit tiniyak niyang ibinahagi din niya ang lahat sa kanyang kasamahan sa tanggapan kapag may nakukuhang porsiyento.

Aniya, nagsimula niyang malaman ang conversion sa AFP noong nanilbihan siya bilang budget officer noong 1989 kaya tuwing may magreretirong AFP chief of staff at may bagong papasok na kapalit, lumalaki ang allotment o conversion sa pondo ng AFP.

Base sa pagbubulgar ni Rabusa, binibigyan ng pasalubong, buwanang payola at pabaon ang lahat ng chief of staff ng AFP na kinukuha sa pondo ng pampasuweldo at pension ng beterano sa sinasabing sistema ng kumbersiyon.

Ayon sa bagong testigo, simula noong maging budget officer ito noong taong 1989 , mayroon nang conversion ng pondo sa Sandatahang Lakas ng bansa. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply