Baguhin ang edukasyon — Senator Angara

KINALAMPAG ni Sen. Edgardo Angara si Pangulong Benigno Aquino III na balasahin ang pamamaraan ng edukasyon sa bansa.

Inihanay ni Angara ang pagbalasa ng kasalukuyang kurikulum at mas mahusay na pangangalaga sa mga guro bilang mga pangunahing isyu na kailangang agad tugunan.

“First of all, we should shift more towards technological courses because that’s what the nation needs right now. Without a dynamic scientific sector, there will be no innovations to spur the Philippine’s growth,” aniya.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate committee on science and technology, dapat magbigay ng insentibo ang pamahalaan sa pagpapaunlad ng sektor ng siyensiya at inhenyero.

“We must strive to attract the brightest minds towards the industries that will contribute to the growth and progress of the country,” aniya.

Dapat din umanong panatilihin ang kagalingan at moral ng mga guro – ang siyang puso ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas – na dapat bigyang prayoridad ng gobyerno.

“Recruitment is not the problem. The entry-level salary for a public school teacher is reasonable, but it lags behind a few years. The compensation does not grow along with the teacher’s experience,”  paliwanag niya.  Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply