Baha, landslides nakaamba muli sa Vis-Min

MULING nanamang nagbabanta ang baha at landslides makaraang mamataan ang Shallow Low Pressure Area sa Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, namataan ang SLPA sa 90 km South ng General Santos City bandang 2 a.m.

“Visayas and Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and isolated thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over Eastern Visayas and Northeastern Mindanao which may trigger flashfloods and landslides,” ayon sa 5 a.m. bulletin.

Kamakailan, 16 katao ang nasawi sa baha at landslides bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa Visayas at Mindanao habang P12 milyon naman ang nasirang ari-arian ng naturang kalamidad.
Samantala, magiging maulap ang bahagi ng Luzon may panaka-nakang pag-ulan , pagkulog, at pagkidlat. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply