Baha, landslides nakaamba pa rin

NAGBABANTA pa rin ang baha at landslides sa Visayas at Mindanao matapos ang pananalasa ng malakas na ulan na nag-iwan ng siyam na taong nasawi at 15,000 residente ang naapektuhan, ayon sa Philippine Atmospheric Geographical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay PAGASA forecaster Gener Quitlong, mararanasan pa rin ang northeast monsoon habang nakakaapekto pa rin ang wind convergence sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

“Ang payo natin sa mga kababayan natin diyan maging alerto tayo. Naroon ang convergence zone kaya nakakabuo ang kaulapan,” ayon pa kay Quitlong sa isang panayam sa dzBB.

Kaugnay nito, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bukod sa siyam na nasawi sa nakaraang pagbaha at landslides sa Tacloban, 3,130 pamilya o 15,398 katao sa Bohol, Western Samar, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte sa Visayas; at Misamis Oriental at South Cotabato sa Mindanao ang apektado ng malakas na ulan.

Sinabi pa ng PAGASA, patuloy na makararanas ng pag-ulan ang mga lugar na naapektuhan ng baha at landslides.

“Southern Luzon, Visayas and Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over the Bicol Region, Eastern Visayas and Northeastern Mindanao which may trigger flashfloods and landslides. Northern and Central Luzon will be partly cloudy to cloudy with isolated light rains,” ayon sa PAGASA sa kanilang 5 a.m. bulletin. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply