Baha sa Mindoro reresolbahin

TUTUTUKAN na ng lokal ng pamahalaan ng Mindoro ang pagbaha sa kanilang probinsiya sa tuwing sasapit ang pag-ulan.

Ayon kay Gov. Aurelio Umali, dapat nang masolusyunan ang pagbaha sa naturang lugar sa tuwing sasapit na lamang ang pag-ulan na nagdudulot ng pangamba sa mamamayan partikular sa mga residente ng mga mababang lugar.

Sa kakatapos pa lang ng pagpupulong ng Infrastructure and Environment Cluster sa Kapitolyo, binigyang-diin ni Umali na kinakailangang magsama-sama at magtulung-tulong ang mga ahensya sa paglalapat ng solusyon sa pagbaha sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga programang may kinalaman sa pagresolba ng baha.

Sa mga suliraning kinakaharap ng lalawigan tulad ng kawalan ng early warning device, pag-apaw ng mga ilog, at pagkakalbo ng mga bundok, tinukoy ang mga programang reresolba sa suliranin sa pagbaha tulad ng massive reforestation, riverbank rehabilitation, at pagpapalalim ng mga ilog. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply