Bahay ng abogado pinasabog

PINASABUGAN ng granada ang bahay ng isang abogado madaling-araw ng Miyerkules, Marso 9 sa lungsod ng Cotabato.

Hinihinalang may kaugnayan sa trabaho kung kaya hinagisan ng granada ang bahay ni Atty. Mauga Luke Ibrahim Lauban bandang 2:00a.m.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Cotabato City PNP, hinagisan ng hindi nakilalang salarin ang bahay ng abogado ngunit masuwerte namang walang nasugatan.

Dahil dito, nagdulot ng matinding takot ang mga kalapit na residente sa naturang pangyayari.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang motibo ng pagpapasabog at kung sino ang responsable sa nasabing insidente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply