Bakbakan ng Gin Kings at Smart Gilas

TAMPOK bukas ng hapon sa Araneta Coliseum ang pinananabikang salpukan ng Smart Gilas Pilipinas at ng crowd darling Barangay Ginebra sa pagpapatuloy ng 2011 Commissioner’s Cup elimination round.

Tangan ng National Team ang kasamang Talk N Text sa tuktok ng 10-team standing ang 6-1 win-loss record habang nakabuntot ang Gin Kings at Alaska Aces, 5-2. Mapasasabak ang Smart Gilas sa matitikas na manlalaro ni Coach Jong Uichico na ipaparada ang magaling na import na si Nate Brumfield na naga-average ng 30 puntos per game at si na Mark Cagioa, Willie Miller, Rico Villanueva at Willy Wilson.

Wala pang kasiguruhan kung makalalaro ang 6’10” naturalized player na si Marcus Dauthit na nagkaroon ng pinsala sa huli niyang laro laban sa B-Meg Derby Ace na kung saan ipinatikim sa kanila ang una nilang pagkatalo, 98-90, noong Marso 23.

Sa kasunod na laro, sisikaping maplantsa ng Air 21 Express na makapasok sa Magic 6 semifinals laban sa inaalat na Meralco Bolts na nanganganib na masibak sa susunod na round. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply