Bala para sa kaaway nasalo ng kapitbahay

NAMATAY ang isang mister matapos tamaan ng bala na para sana sa kanyang kapitbahay habang magkatabing nagsusugal ng cara y cruz ang dalawa sa Caloocan City kaninang umaga, Marso 14.

Sa nakalap na impormasyon ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong 7:30 a.m. ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Diumano, galing ang biktima sa pagtatapon ng basura nang madaanan nito ang kanyang mga kapitbahay na nagsusugal ng cara y cruz sa isang lamayan. HInikayat umano ito ng mga kaibigang nagsusugal na tumaya.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang armadong lalaki at agad na pinaputukan ang nakaaway nito na katabi ng biktima habang tumataya sa sugal.

Sa halip na ang kaaway na target ang tamaan ng bala ng sumpak ay ang biktima ang nasapol.

Agad namang isinugod ito sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na rin umabot ng buhay habang naaresto naman ang suspek ng mga rumespondeng awtoridad.

Hindi na umabot ng buhay Si Erick Catalino, 29, pintor, ng Kawal St., Barangay 28, sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sanhi ng tinamong tama sa katawan ay nakilalang

Nakapiit naman sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na si Romeo Tuparan, 27, kapitbahay ng biktima na agad na naaresto ng mga awtoridad. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply