Bali Indonesia nilindol

NILINDOL ng may 6.5 magnitude ang isla ng Bali sa Indonesia, madaling-araw ng Biyernes, Marso 11.

Naganap ang pagyanig bandang 1:08 ng madaling araw.

Ayon sa U.S. Geological Survey, naital ang sentro ng lindol sa 510 kilometro sa ilalim ng dagat. Namataan ito 260 kilometro hilangang-silangan ng Bali.

Naramdaman din ang pagyanig sa lungsod ng Denpasar, ito ay ayon ka Beni Hendrawanto ng Indonesia Geological and Meteorology Department.

Wala pang naitalang mga nasira at nasugatan sa naturang insidente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply