Ballistic examination ng mga bala sa Maguindanao massacre tinutulan

IPINABABALEWA sa korte ng dalawang akusado sa Maguindanao massacre ang kahilingan ng prosekusyon na magsagawa ng ballistic examinations sa mga nakuhang bala mula sa labi ng mga biktima ng naturang krimen.

Sa apat na pahinang pahayag na isinumite ng mga akusadong sina Nicomedes Tolentino at Nasser Esmael sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 221, iginiit ng mga ito na dahil sa pagkaantala ng pagkakasumite sa mga bala para masuri, hindi na angkop ang mga itong magamit na ebidensiya.

Magugunitang sa nakaraang pagdinig, inamin ni medico legal expert Dr. Felino Brunia, Jr. na nakalimutan niyang ipasa sa awtoridad ang mga bala at piraso ng metal na kanyang natagpuan sa mga bangkay noong isinagawa niya ang awtopsiya sa mga ito noong Nob. 25 at 26, 2009.

Aniya, itinago niya ang mga nakalap na ebidensiya sa loob ng kanyang cabinet na kanyang opisina sa General Santos City.

Ikinatwiran naman ng mga abogado ng mga akusado na sina Paris Real at Emmanuel Brotarlo na hindi maaaring payagan ng korte na isailalim ang mga iyon sa ballistics examination.

“Undoubtedly, the slugs and metallic fragments in question are already contaminated evidence. This is due to the very long period of time (more than one year) since they were supposedly recovered from the victims,” ayon sa mga abogado ng depensa.

Dahil umano sa kabiguan ni Brunia na kaagad na mai-turn-over ang mga bala at iba pang piraso ng metal para sa ballistic examination, tuluyan nang nawala anuman ang kahalagahan nito sa kaso.

“Such being the case, submitting them for ballistics examination would just be a waste of time, effort and money to all concerned parties, including this Honorable Court,” anang kampo ng mga akusado.

Iginiit nila na na-expose na umano sa mga elemento ng kalikasan at pagkabulok ang naturang mga ebidensiya kung kaya hindi na ito maaaring magamit sa paglilitis. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply