Banat kina Boy Abunda at Cristy Fermin hindi na nakatutuwa

HINDI na nakakatuwa sa pinaggagagawa ng ilang manunulat na pumapasyal sa mga show ng king of talk Boy Abunda sa ABS CBN. May ilan kasing manunulat na mentras makatulong sa mga show ng king of talk ay nakakasira pa.

Higit sa lahat, ang magandang pakikitungo ni Boy sa kanila ay nasusuklian ng ilang manunulat na walang ka-respetuhan sa king of talk. Sa totoo lang, isa rin ako nuon na pumapasyal sa The Buzz show ni Boy na sa tagal ko ng pagpasyal doon ay never na nagpapa-interview si Boy dahil na rin sa pagiging busy nito sa mga oras na yun.

Kahit pa sabihing tapos na ang show, never pa ring nagpapa-interview si Boy. Kung mayroon man, mga one liner na mga pag-uusap lang.

Wala naman kasing isyu at kung mayroon man, never namang nagsalita si Boy. Sabi nga, kahit na anong bato ang ibato mo kay Boy, never itong magsasalita dahil kilala si Boy na walang masamang tinapay dito.

Alam kong walang kaalam-alam si Boy sa pinaggagagawa ng ilang manunulat na feeling close at PR ng king of talk na isinusulat nila ng maganda as in itinataas nila sa kanilang panulat si Boy at sinisiraan as in ibinabagsak naman nila ang reyna ng intriga na si Cristy Fermin.

Tulad ng ginagawa nina papangalanan ko silang sina Kurdafia Daldakina at Lukring Maniwangtiwang na para lamang masiraan si Cristy ay isasakay niya ito kay Boy Abunda. Juice kong pineapple, sa oras na malaman ni Boy yan, tiyak na pagsasabihan kayo ng kanyang executive staff na si Philip Roxas.

Sa totoo lang, nagpapahalata kayo na hinde nyo pa lubos na kilala si Boy na obvious na ang sinasadya nyo ay ang pagiging generous ng king of Talk.Huwag nyong gamitin si Boy at lalong huwag nyong pag-awayin sina Cristy at Boy.

Saksi ako at maging kayo…hindi kailanman nagsasalita ng anumang laban kay Cristy si Boy at si Cristy din ay ganoon din.

Kung si Cristy man ay nagsasalita on cam about Boy e, wala namang banat,intriga o personal na makakasira sa pagka-tao ni Boy.Aside from that, hinde kasalanan ni Cristy yun…dahil nasa sa script ang anumang sinasabi at ibinabalita nya at given na yun kay Cristy.

Sa off cam, never namang siniraan ni Cristy si Boy. Never itong nagsalita o nag-utos sa mga manunulat si Cristy na siraan si Boy na lumalabas pa ngang nagiging masama si Boy dahil sa kagagawan ng iba na ang ginagawa nilang pagsusulat ng maganda kay Boy kasunod ng pagsusulat ng pangit kay Cristy na hinde naman pinagagawa ni Boy.

Totoong hindi pa in good terms sina Boy at Cristy pero, hinde nangangahulugang magkaaway ang dalawa.Wala ring inggitan na namamagitan sa dalawa na pinangangalandakan nitong sina Kurdafia Daldakina at Lukring Maniwangtiwang. May sariling mga korona sina Boy at Cristy hinde sila pwedeng pagkumparahin.

Maraming pamamaraan para itaas natin sa panulat sina Boy at Cristy. Huwag natin silang pag awayin dahil naniniwala ako na sa huli…..kayo rin ang tatanghaling talo at nakakahiya dahil naniniwala ako na darating ang araw na makikita nating magkasama sina Boy at Cristy na masayang nagkukuwentuhan at magkasama.

Respeto. Ito ang kapalit na pwede nating ibigay kina Boy at Cristy sa mga pagpapala nila sa ating maliliit na manunulat…..pero sa tingin ko, hinde paiiralin nina Kurdafia Daldakina at Lukring Maniwangtiwang ang respeto dahil ang kawalan ng respeto lamang kay Cristy Fermin ang ginagawa nilang sandata para makatanggap ng malulutong na mga sampal mula sa king of talk. Pero, kung iisipin lamang nina Lukring at Kurdafia ang katotohanan…ultimo si Boy ay hindi nila binibigyan ng respeto dahil isinusulat nila ng kapuri-puri si Boy kasunod ng pambabalahura naman kay Cristy na syang ayaw na ayaw ni Boy.

Haay!  Style bulok!

****************

Sa darating na Biyernes, March 25 ang tinaguriang mother courage Marlene Aguilar ang siyang tampok na artist sa Concert at the Paco Park.

Oo, si Marlene Aguilar na nakababatang kapatid ni Freddie Aguilar ang magku-concert sa Paco Park kung saan mapapanood ng libre at televised sa NBN chanel 4 ng kanyang mga tagahanga.

Isa nga si Marlene na nagpakitang gilas at galing sa pagkanta kung saan kabi-kabila rin ang mga gig nito sa ibat-ibang music bar.

Sabi nga ng respetadong singer na si Rannie Raymundo ng minsang magkaroon sila ng back to back concert sa Marikina….ibang klase raw ang tinig ni Marlene na para itong may magic na nakakapagpatulala ng mga nakikinig.

Naghahanda na rin ngayon si Marlene para sa kanyang nalalapit na recording ng una niyang album kung saan ang magaling na arranger na si Abe Hipolito ang nag-aareglo. Charlie Lozo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply