Banco Filipino di pa bangkarote

HINDI pabangkarote ang ipinasarang Banco Filipino (BF).

Ito ang lumalabas dahil sa pahayag ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), sobra ang mga ari-arian ng banko na nagkakahalaga ng P64.6 billion para bayaran ang mga naka-insured accounts nito ngaumaabot ng P9.4 billion lamang.

Ipinasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang BF dahil lugi. Nag-apply ng emergency loan ang naturang banko sa BSP sumabalit hindi ito naaprubahan dahil sa kakulangan ng mga assets nito ayon sa abogado ng BSP.

Sinisisi naman ni Atty. Harry Roque, abogado ng BF, ang BSP sa pagsasara ng banko.

Ayon sa kanya, dapat ay tinulungan muna ng BSP ang BF dahil sapat pa umano ang mga assets nito para bayaran kung anumang halaga ang uutangin nila sa BSP.

Ayon naman sa mga eksperto sa banking industry , pwede pang mabuksan ang naturang banko kung mayroong investor na magkakainteres para i-rehabilitate ito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply