Banco Filipino hindi magsasara

NANINDIGAN ang Banco Filipino na hindi sila magsasara sa kabila ng problemang kinakaharap dahil sa pagdagsa ng mga depositor na gustong mag-withdraw.

Sa pulong balitaan sinabi ni Atty Perfecto Yasay, director at chairman ng legal committee ng Banco Filipino na hindi nalulugi ang Banco Filipino kundi naubusan lang ng pera ang kanilang vault dahil sa biglang pagdagsa ng withdrawals.

Sinabi ni Yasay na nagawan na nila ito ng hakbang sa pamamagitan ng pagpapa-file ng emergency loan sa  Bangko Sentral (BSP) Subalit kataka-taka aniya na hindi ito inaaksyunan ng BSP.

Dahil dito, hinala ni Yasay na kasabwat ang BSP sa pagpapakalat ng maling balita na nalulugi na ang bangko na naging sanhi ng pagpa-panic ng mga depositor.

Nais lamang umanong takasan ng BSP ang pananagutan nito sa Banco Filipino na nagkakahalaga ng mahigit P18 bilyon.

“..in 1992 ,15 branch lang ibinalik sa amin. Pero palagi may smear campaign against us. PR man nyo naglalabas nyan, gusto nila kami isara uli kasi ayaw nila i-implement ang desisyon ng Supreme Court,” ayon pa kay Yasay.

Batay naman ito sa desisyon ng KS noong 1992 na nagdedeklarang iligal ang pagpapasara ng dating central bank sa Banco Filipino noong 1985.

“1985 pinasara ng Central Bank ang Banco Filipino unfairly, kasi mismanage daw kami. But 1992 the Supreme Court declared na iligal ang pagsasara. Kailangang buksan agad at bigyan ng tulong, maximum support under the law para makapag-operate kami. Since 1992 hindi kami tinulungan ng BSP,” pahayag pa ni Yasay.

Dagdag pa ni Yasay na sapat ang asset ng bangko para tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga may deposito kung kaya wala silang dapat na ikabahala na mawawala ang salaping idineposito nila.

Samantala, inamin naman ni Yasay na hindi lamang sila kundi maging ang kanilang mga empleyado ay nakakatanggap ng death threat mula sa mga galit na galit na depositors. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply