Bangkay ng 4 na paslit natagpuan sa kanal

NATAGPUAN ng pulisya ang bangkay ng apat na paslit sa isang kanal na nakasilid sa isang malaking bag sa Delray Beach, Floriada.

Hinihinalang magkapatid ang mga bata na tinatayang may edad 6 hanggang 10 ang mga batang babae at 10 hanggang 12 ang mga batang lalaki.

Natagpuan ang katawan ng mga batang babae na nakabalot ng duffel bag samantalang ang sa lalaki naman ay sa isang suitcase.

Hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng pulisya ang naturang insidente. Hindi pa rin batid kung sino ang salarin sa naturang krimen. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply