Bangkay ng Bebot natagpuan sa tulay

NATAGPUAN ang bangkay ng isang babae malapit sa kanyang tinutuluyang barung-barong sa ilalim ng tulay sa Pasig City.

Ayon sa news report sa Unang Hirit, nagtamo ng tatlong saksak ng ice pick sa kanyang kaliwang balikat ang di pinangalanang babae.

Nadiskubre ang bangkay 10:00 ng gabi sa C-5 Bridge sa Pasig City ng kanyang kaibigan na si Romeo Espidillon.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng pulisya si Romeo.

Tanging ang alagang aso ng biktima ang saksi sa krimen kaya palaisipan kung sino ang salarin at ano ang motibo nito sa pamamaslang.

Nasa morgue ng Rizal Medical Center ang bangkay ng biktima. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply