Bangko sa Bacolod nawalan ng mahigit kalahating milyon

HINIHINALANG isang bank employee ang kumuha sa nawawalang P774,000 sa pinagtatrabahuhan niyang bangko sa lungsod ng Bacolod.

Nabatid na missing ngayon si Philip Michael Zuñniga, 27, nagtatrabaho sa First Community Bank Inc. makaraang mawala ang naturang halaga.

Ito ang isinumbong sa pulisya ni internal auditor Daisy Buerom ng naturang banko na may panulukan sa Burgos St., Brgy. Villamonte, natuang lungsod.

Ayon kay Buerom, sa kanilang isinagawang daily cash count noong Pebrero 25, nadiskubre ang pera sa cash box para sa Pebrero 24 na transaction ay kulang ng P774,000.

Agad na ni-review ng kompaniya ang kanilang closed-circuit television (CCTV) camera kung saan nakita rito na lumabas si Zuñiga dakong 4:00 ng hapon noong Pebrero 24 na may dalang plastic bag mula sa vault.

Mula Pebrero 25 ay hindi na nakapag-report sa kaniyang trabaho si Zuñiga.

Patuloy namang pinaghahanap si Zuñiga ng mga awtoridad. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply