Barangay kagawad ng Malate nagbigti

WALA nang buhay nang abutan sa bahay ang isang barangay kagawad at miyembro ng fraternity matapos itong magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti Biyernes ng gabi sa Malate, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Rommel Grafil, 31, miyembro ng Tau-Gamma Phi (Smith Chapter) at  barangay kagawad ng Brgy. 743 Zone 80 at residente ng 1119 San Andres St., Malate, Maynila.

Sa report ni SPO2 Henry Ignacio,dakong 8:30 ng gabi nang magpatiwakal ang biktima sa ikatlong palapag  ng bahay na inuupahan ng kanyang tatay na si Dominador Grafil Sr.

Nabatid na iniwan ni Dominador ang biktima na mag-isa dakong 3:30 ng hapon. Nang bumalik ito makalipas ang dalawang oras ay naka-padlock na ang pintuan ng bahay.

Agad humingi ng tulong si Dominador sa kamag-anak na si Rafael Grafil at sinira ang screen ng bintana sa pamamagitan ng paggupit ng gunting.

Laking gulat ni Rafael nang makitang  paupong nakaposisyon ang biktima na may nakataling electric extension cord sa kanyang leeg na isinabit naman sa bintanang kahoy ng bahay.

Ayon naman kay Rafael, naikuwento umano nito na nagkaroon ng matinding away ang biktima at ang girlfriend nito na posibleng nagtulak sa una para magpakamatay.

Sa isang umano’y suicide note ng nasawi ay ganito ang nakasulat: “Kuya Jun, patay na ako hindi na ako pabigat kila mommy hingi mo na lang  ako ng sori.Mahal ko kayong lahat lalo na ang mga anak ko, wag nyong ipakita sa ibang tao ang bangkay ko, kung ibuburol ninyo ako nakatakip lang pakiusap ko yan . Salamat sa lahat.”

Hiwalay sa asawa ang biktima at may tatlo silang anak.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply