Barangay sa Bohol isinailalim na sa state of calamity

INILAGAY na sa state of calamity ang Barangay Balbalan sa bayan ng Dimiao, Bohol dahil sa matinding pagbaha dito dahil sa masamang panahon.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa nasabing barangay sa Dimiao, ang tatlong barangay sa bayan ng Jagna at isa sa Bilar ay apektado na rin na baha.

Sa Bilar ay umabot na sa 50 pamilya o katumbas ng 219 katao ang nagsilikas.

Samantala, pito na ang patay sa Tacloban City, isa sa Palo Leyte at isa sa Sierra Bullones, Bohol. Remate Online

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply