Barko, kotse, mga bahay inanod ng tsunami: DFA nakaantabay sa mga Pinoy sa Japan

NAGMUKHANG mga basura lamang ang mga barko, sasakyan at mga bahay na inanod ng tsunami na tumama sa northern coast ng Japan, kasunod ng magnitude 8.9 na lindol.

Nauna nang isinara ang ang Narita International Airport, ang pinakamalaking paliparan sa Japan.

Samantala, mahigpit namang  mino-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng mga Pinoy na nasa Japan.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Ed Malaya na kumokontak na sila sa Embahada ng Pilipinas sa Japan at sa iba pang bansang posibleng tamaan ng tsunami.

Inihayag ni Malaya na sa ngayon ay wala pang tinatanggap na report ang DFA sa sitwasyon ng mga Pinoy na posibleng naapektuhan ng malakas na paglindol sa nasabing bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply