Barkong sumundo sa OFWs sa Benghazi nasa Greece na

NASA isla na ng Crete sa Greece ang Ionian Queen na sumundo sa 665 overseas Filipino worker (OFW) na inilikas sa Benghazi, Libya.

Ang barkong ito ay inarkila ng Department of Foreign Affairs (DFA) para ilikas ang isang batch ng OFWs sa Benghazi, Libya.

Ayon kay Carmelita Dimzon, administator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), dakong 11 kagabi sa Greece (5:00 ng madaling-araw kanina sa Pilipinas) nang dumating ang barko sa Isla ng Crete.

Pansamantalang tumuloy ang Pinoy workers sa isang hotel 30 kilometro ang layo mula sa pier.

Nakatakdang umalis ng Grece pabalik ng Pilipinas ang 125 mula sa 665 OFWs bandang 12:30 ng hapon sa Greece (6:00 ng gabi sa Pilipinas) at susunod naman bukas ang iba pa.

Samantala, manunundo naman ulit ng mga ililikas pa na OFWs sa Tripoli, Libya ang Ionian Queen.

Ang nasabing OFWs ay ihahatid din sa Isla Crete sa Greece upang makasakay ng eroplano pabalik ng Pinas.

Nagkaroon naman ng kasunduan ang Pilipinas at Greece na hindi dapat hihigit sa tatlong araw ang pananatili ng mga evacuee mula Libya sa Crete.

Kailangan silang makabalik sa Pinas agad. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply