Baron Geisler mistulang katulong sa loob ng rehab

NATUTUWA ang bumubuo ng PAMI samahan ng mga manager sa showbiz world sa nakikitang senyales na pagbabago dito sa aktor na si Baron Geisler.

Hindi naman daw pakitang tao lang ang ipinapakitang pagbabago ni Baron sa loob ng rehab sa halos mahigit na dalawang buwan na pananatili nito sa loob. Natutuhan daw ni Baron ang gumising ng umaga, magluto, maglinis na hindi niya dating ginagawa.

Malaking tulong naman ang ginawang pagre- rehab dito kay Baron na umaasa ang PAMI at mga kasamahang artista na sa paglabas nito sa rehab ay tuluyan na ito tungo sa pagbabago.

Sayang naman daw kasi ang pagiging mahusay na artista nitong si Baron na mala-Johnny Dep ang dating.

At ang ikinatuwa ng mga friendship at mga relatives ni Baron ay itong naging malapit daw siya sa Panginoon. Timing daw at nalalapit na ang Semana Santa na tama ang kanyang pagbabalik-loob sa Diyos.

Marami na rin daw siyang natutuhan na verses sa Banal na Aklat at sa pagbabasa nga raw niya sa bawa’t pahina ng bibliya ay para raw unti-unti na at tuluyan na ang kanyang pagbabago.

Kung ang kampo naman ni Cherry Pie Picache ang tatanuningin tungkol sa pagbabago ni Baron,  no comment lang sila, dahil  ibig sabihin ba ay hindi pa bilib ang kamponi Cherry Pie sa rebelasyon ng pagbabago ni Baron.

Well, sa paglabas niya at natapos na niya ang pananatili nito sa rehab ay saka natin malalaman at masasabi na tuloy na nga ang pagbabago ni Baron at nagbalik-loob na nga ito sa Panginoon.

‘Yun na!

Abangan!

LORNA TOLENTINO, SUPORTADO SI RENZ FERNANDEZ SA PAGPASOK SA SHOWBIZ

FOR sure, hindi papabayaan ni Lorna Tolentino ang anak nila ni Rudy Fernandez na si Renz Fernandez na pinasok na rin ang magulo ngunit masayang mundo ng showbiz.

Marami raw mga pointers na ibinigay si LT sa anak lalo na sa pag- arte sa harap ng kamera. Kaya naman hindi na mahihirapan pa si Renz sa pagpasok nito sa showbiz at tuluy- tuloy na nga raw ito at wala ng makakapigil pa.

Medyo may pagka-ilang pa nga raw si Renz pero dahil sa hilig din nito ay hindi na hinadlangan pa ni Lorna ang hilig din ng anak.

May nakakapgataka pa ba dun sa pagpasok ni Renz sa showbiz at alam naman ng Pipol of the World na mula sa angkan ng mga artista itong si Renz. Lehitimong anak ng artista kaya hindi na kataka-taka kung pasukin din nito ang mundo ng showbiz.

Hindi naman daw tumitigil si LT sa pagbibigay ng mga advise sa pagpasok ng kanyang anak sa showbiz.

Una ngang starring role ni Renz ay itong makakapareha niya si Kim Chiu as a  new leading man. Abangan!

‘Yun na! Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply