Bata ni PNoy lusot sa Commission on Appointments

NAKALUSOT ang bagong talagang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Chief of Staff Eduardo Oban sa  Commission on Appointments (CA) kasama ang 20 iba pang mga opisyal ng AFP.

Si Oban ay kasapi ng Philippine Military Academy Class of 1979. Siya rin ang pangatlo sa naging chief of staff na galing sa Philippine Air Force.

Walang tumutol sa nasabing nominasyon ni Oban kahit sa panel pa lang.

Sa pagsalang ni Oban sa plenaryo ay nangako itong ipagpapatuloy ang paglilinis sa AFP na nahaharap sa mga kontrobersyal hinggil sa tinaguriang “pabaon” at “pasalubong” system para sa mga pumapasok at lumalabas na hepe ng AFP.

Aniya, hindi niya muling bubuhayin ang “pabaon” at “pasalubong” system.

Nabulgar din ang umano’y tumaas na net worth ni Oban kahit na hindi naman nadagdagan o nabago ang kanyang assets.

Dinepensahan naman ni Oban ang sarili at aniya ay isinama lamang niya sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth ang updated value ng kanyang assets kaya ito lumaki. Remate Online

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply