Bataan nuclear plant bubuhayin ba muli natin?

HABANG pinanonood natin sa telebisyon ang napakabilis na paggapang ng tsunami sa isang parte ng Japan, sumisingit naman ng matagal ang larawan ng nagliliyab na parang mga depot ng gasolina na may kalapit na tila planta ng kuryente.

Akala natin noong una na imbakan lamang ng kemikal ang mga ito.

Yun pala, mga plantang nukleyar.

Sumasabog ang liyab nito at may nakita pa tayong malapit na bumbero sa bisinidad nito.

Kasunod na balita rito ang pag-eebakwit ng libo-libong katao sa paligid ng lugar.

…At paghahayag ng gobyerno ni Yamashita na walang anoman iyon.

Nagkaroon lamang ng malawak na pagkabahala nang ireklamo ni Uncle Sam ang pangmamaliit ng gobyernong Hapon dito.

oOo

Tunay namang nakababahala ang pangyayari.

Maalaala ninyo, Suki, yung sumabog na Chernobyl nuclear plant sa Ukraine ilang taon na ang nakararaan?

Nakupo, ang daming namatay na tao noon, kabilang na ang maraming magagaling na siyentistang Ruso.

At nalason ang halos buong mundo noon dahil sumama sa hangin at mga ulap ang tinatawag na nuclear o atomic radiation.

Nalason ang hangin at pagbagsak ng ulan sa lupa at karagatan, nalason din ang mga ito at karaniwang kanser ang idinating nito.

Kaya nga napakaraming gatas ng baka ang ipinagbawal na ibenta noon, kahit sa repablik ni Juan dahil sa panginginain ng mga baka sa mga nalasong damo at pag-inom sa mga nalason ding katubigan.

oOo

Naalaala natin bigla ang ilang kongresman na gustong muling buhayin ang Bataan Nuclear Plant at magtayo nito sa iba’t ibang lugar sa atin para magiging mura umano ang kuryente.

Papayag ba kayo rito, Suki? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply