Bawas sa boundary igigiit ng 1-Utak

BUNSOD ng walang puknat na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo, hihimukin ng 1-Utak Party-list ang mga operators ng mga pampasaherong sasakyan na huwag taasan bagkus ay ibaba pa nito ang halaga ng boundary ng kanilang mga driver.

Ayon kay Orlando Marquez, spokesman ng 1-Utak at pangulo ng Liga ng Transportasyon at Operator Nationwide, ngayong may representante na ang transport industry sa Kongreso, gagawin din nilang magkaroon ng boundary system na ipatutupad ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTRFB) para hindi naman masaktan ang mga passenger vehicle drivers sa serye ng oil price hike.

Dahil anya sa walang puknat na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel, tumaas din ang boundary ng mga driver ng mga pampasaherong sasakyan na halos ay wala na silang inuuwing kita para sa kanilang pamilya.

Hinikayat din nito ang mga lider ng transport groups na magsama sama na hilingin sa mga operators ng sasakyan na miyembro ng mga ito na kung maaari ay ibaba ang boundary sa mga pampasaherong sasakyan para naman kumita rin ang mga drivers.

Una nang umangal ang mga drivers ng jeep, taxi at iba pang sasakyan na halos hindi na sila kumikita dahil sa pagtaas ng boundary ng minamaneho nilang sasakyan mula nang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply