Bea Alonzo lasengga na?

KUNG anu-ano ng kontrobersya ang kinasuungan ni Bea Alonzo.

Pero lagi na, no pansin lang siya sa ganito.

Sa ngayon kasi, iba’ng prioridad ni Bea na halatang in love kay Zanjoe Marudo. Umaamin si Bea na masaya siya at kinikilig kay Zanjoe pero ayaw niyang sabihing sila na.      Nagkakasundo kami, boto sa kanya ang nanay ko, gustung-gusto siya ni Mommy.”

Si Bea nga ba yung matagal nang naba-blind item tungkol na sikat na aktres na halos  di na makagulapay sa tuwing malalasing? Sobrang barubal daw ng bunganga nito at mura nang mura. Pahulaan ito pero may nagtuturong si Bea Alonzo raw yun?

Hindi aware si Bea Alonzo tungkol sa blind item na ito.  May nagtanong kasi nito sa kanya sa isang panayam last Thursday at say niya, hindi niya alam na may ganung blind item sa kanya.

“Ako ba ’yon? Bakit ngayon ko lang narinig ’yan? Parang imposible naman na ako ’yon,” sabi niya.

“Nagwawala ako at naglalasing? Parang hindi naman totoo ’yon,” say pa niya.

Aminado ang young actress na umiinom siya occasionally pero white and red wine lang.

“Nalalasing ako minsan pero hindi ako nagwawala at hindi ako nagmumura,” paglilinaw ni Bea. “At saka, hindi naman parati, alam mo ’yon, ’yung normal lang.”

May nagsabi na baka hindi si Bea ang tinutukoy sa blind item at baka ’yung best friend niyang isa ring young actress.

Pero say ni Bea, hindi rin niya alam at basta ang alam niya, hindi siya ’yon. Cesar Pambid

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply