Bebot kinarne matapos gahasain sa Cagayan de Oro

BUMALIKTAD ang sikmura ng ilang residente ng Cagayan de Oro nang makita ang putol-putol na katawan ng isang babae na hinalang ginahasa muna bago kinarne.

Sa imbestigasyon, isang Norvin Valmoria ang itinuturong may kagagawan sa karumal-dumal na pagpatay sa biktima na si Estella Fernandez.

Nabatid na noong Linggo ng umaga nang magkagulo ang mga residente sa lugar nang makitang nagkalat ang putol-putol na parte ng katawan ng biktima.

Ayon kay Insp. Dexter Paje, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), natunton nila ang suspek nang may hindi nagpakilalang saksi at itinuro si Valmoria.

Nakita umano ng saksi kung paano pinagputol-putol ng suspek ang katawan ng babae matapos gahasain.

Lumalabas sa imbestigasyon na lango sa ipinagbabawal na gamot ang suspek nang gawin ang krimen.

Nauna nang sinampahan ng kasong paggamit ng illegal drugs si Valmoria.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Nonata Valmoria ang kanyang anak na hindi ito ang may kagagawan sa krimen dahil mabuting tao ang suspek.

Patuloy naman sa pagsasagawa ng paghahanap ang pulisya sa nawawalang ulo ng biktima. Albus D. Estabas

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply