Bebot na iniwang walang pambayad sa motel kakasuhan ng estafa

NAHAHARAP sa kasong estafa ang isang 30-anyos na babae nang iwanan ng kanyang pulis na boyfriend sa loob ng isang motel, Sabado, March 26, sa Pasay City.

Kinilala ni SPO1 Cristina Villanueva ng Pasay City Station Investigation & Detective Management Section (SIDMS) ang suspek na pansamantalang ikinubli sa pangalang Shawee, 30, resident ng Ugbo St., Tondo, Manila.

Sa pahayag ng suspek, nitong nakaraang Huwebes, Marso 24, inayaya umano siya ng kanyang boyfriend na si P/Insp. Virgilio Sinlao, para mamasyal at kumain sa isang fastfood chain sa Pasay City.

Makaraang mamasyal at makakain dakong 2:00 ng madaling araw, sumakay umano sila ng isang taksi at nagtuloy sa Liza motel na nasa Cuneta Avenue ng nabaggit na lungsod.

Sa loob ng motel umano sila nagpalipas ng oras hanggang inabot sila ng magdamag, at nitong Biyernes, Marso 25, dakong 2:00 ng hapon nag-paalam ang kanyang boyfriend na magwi-withdraw ng pera sa bangko
para mabayaran ang nakonsumong oras sa pananatili at pagkain sa loob ng motel.

Dahil lumagpas na sa oras ang pananatili sa silid na inokupahang motel, inabisuhan na ang naiwanang babae para magbayad ng motel bill.

Dahil walang perang pambayad, at hindi na sinipot hanggang ngayong Sabado ng kanyang boyfriend na pulis, si Shawee ay dinala sa himpilan ng pulisya at sumasailalim sa imbestigasyo sanhi ng hindi nabayarang motel bill sa halagang P1,965.00.

Nabatid na ang kanyang boyfriend na si P/Insp. Virgilio Sinlao ay matagal na umanong nag-AWOL (absent Without leave). Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply