1 pang lola lasog sa 5 sasakyan sa Kyusi

HINDI na halos mapagkilanlan ang isang matandang babae matapos itong masagasaan ng hindi bababa sa limang sasakyan sa Commonwealth ave., Quezon City, madaling-araw ng Huwebes, Marso 3.

Kahit ang mga barangay tanod na kausap ng nagkalasog-lasog na biktima sa harap ng New Era College ilang saglit bago mangyari ang aksidente ay nakilala lamang ang matanda dahil sa duster na suot nito.

Matatandaang isang matandang babae rin ang nasagasaan ng ilang sasakyan sa C-5 Mindanao Ave., ng parehong lungsod, Miyerkules ng madaling-araw.

Sa pinakahuling insidente, pasado alas-singko ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang awtoridad na may isang babaeng na-hit-and-run.

Matapos makita ang kalagayan ng biktima, sinabi ng mga rumespondeng pulis na hindi bababa sa limang sasakyan ang nakasagasa sa katawan ng biktima.

Ayon sa barangay tanod sa lugar, bago nangyari ang trahedya ay pinipigilan pa niya umano ang babae sa pagtawid sa malawak na kalsada ng Commonwealth ave.

Anito, masama ang loob ng biktima dahil pinalayas siya sa bahay na kanyang tinutuluyan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply