Bebot nahulog mula 18/flr ng condominium buhay

HIMALANG nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang babae makaraang mahulog mula sa ika-18 palapag ng isang condominium sa Makati City umaga ng Miyerkules, Marso 9.

Nilalapatan pa ng lunas sa Makati Medical Center ang hindi pa nakikilalang biktima matapos na agad na maisugod sa pagamutan nang bumagsak eksakto sa swimming pool ng Paseo Park Condominium sa Paseo de Roxas cor. Sedeno Sts., sa nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ni Senior Supt. Froilan Bonifacio, dakong 10:30 ng umaga nang magtungo ang biktima sa condominium upang hanaping ang isang kaibigan o kamag-anak na naninirahan umano sa naturang gusali.

Nang sa hindi lamang dahilan ay basta na lamang nahulog ang babae na tinatayang nasa 27-30 taon ang edad. Sa kabutihang palad ay eksaktong bumagsak ito sa swimming pool ng condominium.

Iniimbestigahan na ng awtoridad kung may foul play sa insidente.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply