Bebot sumemplang, nasagasaan ng Revo tigok

PATAY ang isang bebot matapos sumemplang ang sinasakyang motorsiklo at magulungan pa ng sasakyan sa Malabon City Miyerkules ng gabi, Marso 30.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng matinding pinsala sa katawan si Catherine Antonio, 30, ng Kagitingan St., Muzon, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang isang Mauricio Rato Jr., driver ng Toyota Revo (XEJ-873) na nag-iwan lamang ng lisensya at tumakas matapos masagasaan ang biktima.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:45 ng gabi, sakay ang biktima sa Honda XRM (UO-6213) sa Sanciangco St., Niugan ng nasabing lungsod nang mag-overtake sa isang pedicab.

Sumabit ang manibela ng biktima sa pedicab na naging dahilan para sumemplang at magulungan ng kasalubong na Revo na minamaneho ni Rato.

Matapos ang insidente, agad dinala ang biktima sa ospital habang tumakas naman si Rato. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply