Benepisyo ng SSS members pinadadagdagan

ISINULONG ng Bayan Muna Partylist ang panukalang dagdagan ang pension ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Ang House Bill 4365 ay pangunahing isinulong nina Bayan Muna Reps. Teddy Casiño at Neri Colmenares na nagsusulong na maamiyendahan ang Republic Act 1161 o ang SSS Law.

Iginiit ng dalawang mambabatas na matagal nang naghihirap ang SSS pensioners dahil sa mabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

“The amount that these retirees receive as their monthly pension is rendered sadly inadequate to meet even the barest of their needs.”

Nakapaloob sa RA 8262 na ang mga miyembro ng SSS na 10 taon nang nagbibigay ng kontribusyon ay tumatanggap ng buwanang pension na P1,200, samantalang ang may 20 taon ng miyembro ay P2,400.00 ang pension.

Batay rin sa panukala nina Casiño at Colmenares, ang mga pensyonado ng SSS ay tatanggap ng buwanang P7,000 upang makaagapay sa mga pangunahing pangangailangan at araw-araw na pamumuhay.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply