Benghazi pinaulanan ng bala sa kabila ng ceasefire

SA KABILA ng idineklarang ceasefire ni Libyan Leader Moammar Gadhafi ay patuloy ang kaguluhan sa Benghazi, Libya.

Kasalukuyang pinasok ng puwersa ni Gadhafi ang stronghold ng oposisyon sa Benghazi.

Nagsagawa ng dalawang airstrike ang kampo ni Gadhafi at sunud-sunod na pinaulanan ng bala ang mga raliyista.

Narinig ang maraming pagsabog at nilamon ng makakapal na usok ang sentro ng lungsod.

Sa palitan ng putukan ng baril ng dalawang kampo ay napabagsak ang isang eroplano sa isang residential area. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply