Best rice price, kuha ng NFA

NUMERO unong rice importer na sa buong mundo ang Pilipinas—lumolobo ang populasyon at umaakyat ang per capita consumption ng bigas, halos 15 kilo ang angat bawat dekada… kaya higit sa 10% ng taunang pantustos sa pamilihan ay kailangang angkatin.

Sinuman ang itokang pinuno ng National Food Authority, pangunahing sakit ng ulo ang paghahagilap ng mainam na presyo sa aangkating bigas taun-taon.

Nitong 2009 nang umalagwa sa pandaigdigang pamilihan ang presyo ng bigas kabuntot ng pananalasa ng El Niño, kumagat ang NFA sa $708/tonelada… pero ang itinuturing na pandaigdig na sukatang presyo na bigas Thai, pumalo sa $950/tonelada!

Hahango ang NFA ng 200,000 tonelada mula Vietnam– $480/tonelada batay sa government-to-government contract, “best deal kung ihahambing sa iba pang mapagkukunang bansa sa Southeast Asia, ayon kay NFA Administrator Lito Banayo.

“Malakas ang pakiramdam namin na maganda ang nakuha naming presyo,” ani Banayo.

Nakatipid: naglaan ang gobyerno ng $550/tonelada.

Nilinaw ni Banayo na meron nang umiiral na kasunduan ang bansa at Vietnam para magtustos ang huli ng 1.5 milyong tonelada ng bigas hanggang 2013.

Idinagdag ni Banayo na kailangang umagap ang Pilipinas sa pantustos na butil—tiyak na aalagwa ang freight costs kasunod ng mga pagsiklab ng sigalot sa Gitnang Silangan.

Tinukoy din ni Banayo ang pagtaas ng interest rates, pati Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nagsasagawa ng gradual interest hikes upang ibsan ang tumitinding inflationary pressures.

May palugit na 270 araw ang Pilipinas sa pagbayad sa aangkating 200,000 tonelada ng bigas na dadalhin dito mula Abril hanggang Hunyo 2011.

Nilinaw ni Banayo na anumang pasya ukol sa pag-angkat ng dagdag pang pantustos na bigas ay ilalatag sa Abril 7 para matukoy mula Bureau of Agricultural Statistics ng Department of Agriculture kung angat o sablay ang produksiyon ng palay sa unang yugto ng 2011.

Batay doon, sinabi ni Banayo na ang NFA Council ay magpapasya kung kailangan pang umangkat ng karagdagang tonelada sa 2011. Inirekomenda ng isang Inter-Agency Commitee (IAC) ang pag-angkat ng 1.3 milyong tonelada—pumayag ang DA-NFA sa angkat ng 860,000 tonelada.

Ayon kay Banayo, inaayos na ng Pilipinas ang isa pang kasunduan sa Thailand para sa pagtustos ng 1 milyong tonelada taun-taon sa loob ng 3 taon. Meron ring kasunduan sa Cambodia. Pero inaalam muna ang dalawang bansa kung kaya nila ang magtustos, batay sa kasunduan.

Binanggit ni Banayo na ang India ay nagpasabi na posibleng pagbebenta nila on a government-to-gobernment basis. Nitong nakalipas na ilang taon, limitado ang pagbebenta ng India sa premium Basmati rice. Nagpasabi ang India na ubrang magbenta sila ng mas murang bigas—on a government-to-government basis, not on a commercial basis.

Pinansin ng traders na aangat ang Vietnam rice prices sa mga darating na lingo matapos ihayag PH-Vietnam rice supply deal.

“Anihan ng palay ngayon pero hindi pa gumagalaw ang mga presyo,” anang isang trader sa Ho Chi Minh City. “Tumataas ang rice production costs sa Vietnam kaya ang mga magsasaka ay maghahanap ng oportunidad para maitaas ang presyo.”

Nagpasya ang Vietnam Food Association na itaas ng 2.2% ang minimum export price for 25 percent broken grade to $470 a ton, free-on-board, effective March 24.

Sinabi ni Banayo na hindi na marahil kailangang mag-angkat pa ang bansa ng sobra sa 1.3 milyong tonelada para sa taong ito. Naipasyang tasahan ang angkat sa to 860,000 tonelada sa 2011 mula unprecedented imports of 2.45 million tons in 2010. Dong delos Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply